CHECK THIS OUT:

Search

Bata, naiyak nang pagbigyan ang request niyang 'pang matandang gupit'

Napapahalakhak ngayon ang mga madla sa social media dahil sa nakatutuwang mga larawan ng isang bata na pinagbigyan sa kaniyang munting kahilingan.


Sa mga litratong ibinahagi ng Facebook user na si Neil Patok Reyes noong August 4, makikita ang isang batang lalaki na sumisibi at umiiyak.


Sabi ni Reyes sa kaniyang caption, "sabi nya [ng bata] gusto daw ng pang matandang gupit" kung kaya pinagbigyan naman ito.


Nang makita ang kaniyang itsura, naiyak na lamang ang bata, hindi dahil sa tuwa kung hindi sa inis dahil sa kinalabasan ng bago niyang hairstyle.


Literal kasi na pang-matanda ang ginawang gupit sa musmos. Kinalbo ang itaas na bahagi ng ulo nito habang itinira naman ang mga buhok nito sa gilid dahilan upang magmukha itong panot na karaniwang makikita sa mga matatanda.


Bagama't bakas ang labis na pagkadismaya ng bata, maraming netizens naman ang natuwa at agad na nag-share ng mga larawan nito sa Facebook.


Narito ang ilan sa mga komento.

Screenshot mula sa FB post ni Reyes.

Screenshot mula sa FB post ni Reyes.

Narito ang kabuuang post.




No comments:

Post a Comment