CHECK THIS OUT:

Search

Angel Locsin at Neil Arce, ikinasal nang walang wedding ring



Marami ang humanga sa pagiging simple ng aktres na si Angel Locsin at ng kaniyang asawang si Neil Arce sa kanilang civil wedding noong July 26.


Sa halib na magarbong gown o dress, suot lamang ni Angel ay blazer na puti at itim na pantalon na tinernuhan niya ng puting rubber shoes. Gayundin naman si Neil na pinarisan lang ang outfit ng kaniyang bride.


Ngunit ang hindi alam ng nakararami, ay ikinasal ang dalawa na walang  dalang wedding ring.


Sa kanilang Youtube vlog na ini-upload noong August 14, ikinwento ng bagong kasal na peke at hiram lamang ang wedding ring na isinuot nila sa isa't-isa sa kanilang wedding ceremony.


Sabi ni Neil, napag-usapan kasi nila ni Angel na gusto nilang i-reserve para sa kanilang church wedding ang pagsusuot ng kanilang wedding ring.


"Wala kaming dalang singsing. Nag-usap naman kami na we're going to save some moments na mangyayari sa Christian wedding na first time pa rin," saad niya.


"Pagdating namin dun, unang tanong sa amin ni Mayor, siyempre, 'Ready na ba yung vows niyo?' Nagkatinginan kami, 'Mayor, wala kasi kaming vows.'


"'Sige, ito na, isusulat ko na basahin niyo na lang ito,' sabi sa amin ni Mayor na ganun. 'Yung rings niyo?'


"'Kailangan ba namin ng rings?' 'Hindi puwedeng walang rings.'"


Ang singsing na suot ni Neil ay hiniram lamang niya sa kaniya 14-year-old na anak habang ang isinuot naman ni Angel ay ang kaniyang engagement ring.


No comments:

Post a Comment