CHECK THIS OUT:

Search

Teenager na may rare tumor, tinangalan ng 82 ngipin sa tatlong oras na operasyon

Isang teenager ang may rare tumor na tinatawag na complex odontoma at kinkailangan tangalin ang 82 pirasong ngipin sa loob ng tatlong oras na operasyon.


Si Nitish Kumar, 17, mula sa bansang India ay tinitiis ang kalagayang ito sa loob ng halos limang taon. Kinailangan itong operahan para tangalin ang dalawang bukol sa magkabilang pisngi nito.


Kung susumain, sobra ng halos 50 na ngipin kumpara sa isang average adult. Dahil dito sobrang nahirapan si Nitish sa kanyang kalagayan kaya humingi na ito ng operasyon.



Kumonsulta siya sa Indira Gandhi Institute of Medical Sciences at sabi ng doktor ay lumala ito dahil hindi niya ito napatingin ng mas maaga at nagkaroon ng lack of treatment.


Nakita sa scan ang collection ng mga namuong ngipin kaya nagtesulta ito sa swollen jaw at face distortion.


Lubos na nagpasalamat si Nitish matapos ang kanyang operasyon. 




No comments:

Post a Comment