CHECK THIS OUT:

Search

Pobreng customer, ayaw bayaran ang worth P19k catering package na in-order

Viral ngayon sa social media ang video ng dalawang babae mula sa Cebu na nagsasagutan dahil sa hindi nabayarang food package na nagkakahalaga ng P18,800.


Kwento ni Marjorie Abastas sa programang "Rraffy Tulfo in Action," um-order  ang customer na si Maria May Hofilena ng food package na kayang pakainin ang 50 hanggang 60 katao.


 Nagbigay ito ng down payment bago maiproseso ang kaniyang order ngunit nang maihatid na ang mga pagkain ay ayaw na nitong bayaran ang natitira niya pang balanse.


Ayon kay Abastas, ayaw bayaran ni Hofilena ang kabuuang halaga ng mga pagkain dahil sa napakokaunti raw ng mga ito gayong siyam na samu't-saring putahe at 30 kilong lechon ang inihatid sa kanilang tahanan.


Hindi umano sulit ang halagang P18,800 sa dami ng mga pagkaing ipinadala sa kaniya.


Dahil dito, naisipan ng dumulog ni Abastas sa RTIA kung saan nakapanayam din si Abastas.


Sabi ni Hofilena, babayaran niya ang natitira niyang balanse sa araw ng kanilang pag-aareglo sa baranggay gayunpaman pursigido raw siyang sampahan ng kaso si Abastas.


Pinayuhan naman ng legal team ng RTIA si Abastas na huwag munang makipag-areglo. Tutulangan din siyang magkaroon ng abogado na dedepensa sa kaniya sa korte.

Panoorin ang buong kwento rito: RTIA

No comments:

Post a Comment