CHECK THIS OUT:

Search

P40,000 halaga ng alahas, aksidenteng naitapon; naibalik pa kaya?

Halos manlumo ang isang online seller mula sa Malolos, Bulacan nang aksidenteng  matapon sa basurahan ang kaniyang mga alahas na nagkakahalaga ng P40,000.


Ayon kay Rela Estrella, bigla na lamang nawala sa kanilang tindahan ang kahon ng mga alahas na ibinebenta niya online.


Posible umanong aksidenteng naitapon ng kaniyang ina ang mga ito dala ng pagkataranta sa pag-aasikaso sa mga bumibili sa kanilang tindahan.


Mabuti na lamang at busilak ang kalooban ng isang garbage collector na si Pedro Bautista at isinauli niya ang kahon ng alahas kay Estrella.


Base sa ulat ng GMA News, nakita ni Bautista ang mga alahas habang siya ay nagse-segregate ng mga basura. Agad niyang ipinaalam ito sa kanilang barangay upang maibalik agad sa may-ari.


Hindi raw sumagi sa isipan ni Bautista na itago ang mga alahas lalo pa at kilala niyang matulungin si Estrella noon pa mang walang pandemya.


Source: GMA News


No comments:

Post a Comment