CHECK THIS OUT:

Search

Lalaki, ipinakita ang ari at gumawa ng kalaswaan sa harap ng 11-anyos na bata

Kulong ngayon ang isang lasing na tricyle driver mula sa Barangay Gatbuca Calumpit, Bulacan  matapos niyang ilabas ang kaniyang ari para gumawa ng kalaswaan sa harap ng 11-anyos na batang babae na naglalaro lamang sa terrace ng kanilang bahay noong Miyerkules ng gabi (Hunyo 30).


Sa kuha ng CCTV, makikitang pumasok ang lalaki sa bakuran ng biktima at saka ibinaba ang kaniyang shorts. Dito niya na rin inilabas ang kaniyang ari at saka gumawa ng kalaswaan sa harap mismo ng bata.


Maya-maya pa ay may nakapansin at sumita sa lalaki. Agad naman itong tumakbo palayo kasabay ng pag-iyak ng biktima.


Hinabol siya nito ng ama ng bata. Sa labis na takot ay namataan pang tumalon ang suspek sa ilog para makatakas. Ngunit sa huli, nasibat pa rin siya dahil natyempuhan siya ng mga rumorondang tanod.


Naka-detain na ngayon ang lalaki sa istasyon ng pulis. Tumanggi siyang magbigay ng pahayag ngunit inamin naman niya ang kaniyang ginawang kalaswaan.


"Humihingi po ako ng dispensa po sa ginawa ko po," paghingi ng suspek ng paumanhin.


Hindi na nagbigay komento ang biktima at ang kaniyang pamilya pero desidido silang ituloy ang reklamo laban sa suspek.

No comments:

Post a Comment