CHECK THIS OUT:

Search

Batang ayaw uminom ng gamot, napatay ng ama


Binawian ng buhay sa kamay ng sarili ama ang isang apat na taong gulang na batang babae mula sa Quezon City, ayon sa ulat ng Philippine Star nito lamang Biyernes (Hulyo 4).


Nangyari ang insidente sa loob mismo ng tahanan ng pamilya sa Barangay Nagkaisang Nayon dakong 1:15 ng madaling araw.


Base sa imbestigasyon ng pulisya, pinapainom ng gamot ng padre de pamilya na si Lougie Carpeso at ng kaniyang asawa ang anak nilang babae at kapatid nitong lalaki na kapwa nilalagnat.


Nang tumanggi ang batang babae na inumin ang gamot at nagsimulang umiyak, nagalit umano si Carpeso at saka sinuntok sa tiyan ang anak nang dalawang beses.


Nataranta na lamang ang mag-asawa nang bigla nalang mahirapan huminga ang biktima.


Isinugod nila ito sa ospital ngunit binawian din ng buhay ganap na 3:24 ng madaling araw.


Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng pulisya ang 28-anyos na suspek.


Source: Philippine Star


No comments:

Post a Comment