CHECK THIS OUT:

Search

Ate Shawee, impersonator ni Sharon Cuneta, humihingi ng tulong dahil sa matinding sakit

Tulong at panalangin ngayon ang hiling ng sikat na impersonator ni Megastar Sharon Cuneta na si Ate Shawee Martinez nang sa gayon ay magkaroon siya ng dagdag lakas at pag-asa upang malampasan ang kaniyang kinakaharap na pagsubok.


Sa social media account ni Ate Shawee, diretsa niyang sinabi na tuluyan na siyang pinanghihinaan ng loob at pisikal na lakas dahil sa kaniyang lumulubhang karamdaman.


“Hindi na pala ako gagaling. Lumabas man babalik ulit ospital walang wala na ako umaasa lang ako sa mga nagbibigay tulong sa akin," sabi ni Ate Shawee.


“Dko na yta kakayanin anu man mangyari konti na lang suko na ako,” saad pa nito sa nauna niyang post sa Facebook.


Umaasa ngayon ang komedyante na makararating din kay Cuneta ang kaniyang sitwasyon at nagbabakasaling makatanggap ng tulong mula rito.


Ayon sa mga kaanak ni Ate Shawee na gumagawa na rin ng paraan upang makakalap ng pera, mayroong liver complications ang impersonator ngunit hindi na nila ibinahagi ang iba pang detalye ukol dito.


“Hi facebook friends…sa mga napa saya at natulungan niya… My tita Shawee Martinez is in a bad shape," saad ng isang Rafaela De Jesus, pamangkin ni Ate Shawee.


“She has LIVER Complications. She is in need of financial assistance. Any amount will do. 

“Let us give her back the joy and help she once gave us. We are asking for your prayers for a fast recovery,” dagdag nito.


Source: Bandera


No comments:

Post a Comment