CHECK THIS OUT:

Search

Sahog ng ulam, nahulog sa semento; iniluto ulit at saka ibinenta sa karinderya

Nahulog, dinampot, iniluto, at saka ibinenta.


Ito ang nasaksihang tagpo ng team ng GMA News sa isang karinderya malapit sa isang vaccination site sa kahabaan ng Filipe 2nd Street sa Binondo, Manila.


Sa video na nakunan ng nasabing team, kitang-kita ang isang ambulant vendor na may pinupulot mula sa marumi at maputik na semento gamit ang kaniyang siyansi.


Ayon sa reporter na si Mai Bermudez, ang dinadakot pala ng tindero ay ang mga nahulog na sahog ng kaniyang inilulutong putahe.


Mula sa nakaririmarim na semento, ibinalik ang mga sahog sa isang kawali kung saan muling binanlawan, iniluto at saka ibinenta. 


Tumangging magbigay ng komento ang may-ari ng karinderya sa panayam ng GMA News ngunit ayon sa lalaking dumakot sa mga nahulog na sahog, adobong puso ng baboy ang kaniya sanang ilulutong putahe.


Iyon nga lang, nang pakukuluan niya muna dapat ito, biglang dumulas ang sahog dahilan upang mahulog sa basang semento.


Katwiran niya, hinugasan at pinakuluan naman niya ang mga nahulog na sahog at saka ipinrito sa kumukulong mantika.


Ito lang daw ang inaasahang nilang magbibigay kita sa kanila kung kaya inihapag pa rin sa karinderya ang nasabing putahe.


Gayunpaman, matapos ang ilang minuto panayam ng GMA News ay inalis din ang naturang ulam sa lamesa ng karinderya.


Hindi na nagbigay komento ang mga pulis na nagbabantay sa lugar habang hinihintay pa ang panig ng District Sanitation Office III ng Manila Health Department kaugnay ng insidente.


Source: GMA News


No comments:

Post a Comment