CHECK THIS OUT:

Search

Package na ibinalot at ikinorteng tao, tinakot ang netizens

"Parang patay na tao."


Ganito ilarawan ng netizens ang kumakalat ngayong larawan ng isang package online dahil sa kakaibang paraan ng pagkakabalot nito na nagbibigay hugis at korteng tao.


Ayon kay Facebook user Rodwin Mandia, uploader ng nasabing litrato, ang binili niya raw mula sa isang online seller ay mga halaman kung kaya gano'n na lamang din ang kaniyang pagkagulat nang makita ang kaniyang parcel.


"Halaman 'yung in-order ko kaso mukang na-salvage na tao," sabi ni Mandia.


Dahil dito, ang pakiusap niya sa mga nagtitinda "pakiayos naman po ng pagkakabalot, 'wag naman po kayo manakot."


Marami rsa mga netizen ang nabigla rin at napa-react nang makita ang larawan. May ilan pa nga na nalito kung halaman ba o tao talaga ang kanilang nakikita. 


"Hindi nyo naman nakita laman para sabihin halaman yan. Baka tao tlga yarn," komento ng isa sa mga netizen.


Mayroon ding mga Facebook user ang nag-tag sa kanilang mga kaibigang online seller at nagpaalala na ayusin ang pagbabalot ng mga order ng kanilang customer.

Tingan ang buong post:



No comments:

Post a Comment