CHECK THIS OUT:

Search

Love story ng Pinay at kaniyang asawang foreigner, kinakiligan online

Kilig to the max ang mga netizen sa love story ng isang Pilipina at asawang niyang foreigner na nagsimula lamang sa simpleng larawan at pag-uusap online.


Noong Hunyo 10 ay ibinahagi ni Marissa S Beachy ang kwento kung paano nagsimula ang pagmamahalan niya at ng kaniyang asawang si Johnny Beachy bilang selebrasyon sa kanilang ika-apat na anibersaryo.


Ayon kay Marissa, taong 2015 nang magsimula silang magkausap ng kaniyang asawa. Madali silang nagkaunawaan kahit pa magkaiba ang kanilang lahi kung kaya nagpatuloy lamang ang kanilang komunikasyon.


Dahil nagkakasundo ang dalawa, naging mas malapit sila sa isa't-isa haggang sa  kalaunan ay naging opisyal na silang magkasintahan. 


Isa at kalahating taong nasa long distance relationship sina Marissa at Johnny. Natuldukan lamang ito noong 2016 nang magpasya si Johnny na bumisita sa Pilipinas upang makita nang  personal sa kauna-unahang pagkakataon ang kaniyang nobya.


Noong una ay nai-insecure pa raw si Marissa sa kaniyang itsura ngunit 'di nagtagal ay naging komportable rin siya sa piling ni Johnny. 


Ilang buwan pa ang lumipas at nag-propose na si Johnny na sinang-ayunan naman ni Marissa at ng kaniya pamilya.


Hunyo 2017 nang lumipad pa-US si Marissa upang ikasal. Bagamat naging mahirap ang buhay para sa kaniya dahil napalayo siya sa kaniyang pamilya, kinaya niya ito sa tulong ng Diyos at ng kaniyang asawa.


Ngayon ay may dalawa ng anak ang mag-asawa na pinangalanan nilang Jea, 1 yearold, at Julie, 3 months old.


"Happy 4th year anniversary and counting to my husband Johnny Beachy I love you always . Thank you your for your Love, Faithfulness and Patience with me.  Let's keep this marriage as what God commands," matamis na pagbati ni Marissa sa  kaniyang asawa.



No comments:

Post a Comment