CHECK THIS OUT:

Search

Kabaong, isinakay sa improvised zipline para makatawid sa ilog

Napilitan ang mga residente ng Silay City, Negros Occidental na itawid sa ilog  ang kabaong ng isang 98-anyos na matanda sa pamamagitan ng improvised zipline.


Para matagumpay na maitawid ito, itanali nang mahigpit ng mga residente ang kabaong sa kable na nakarugtong sa trolley ng zipline.


Bagamat pagewang-gewang, maayos naman nailipat ang kabaong patungo sa kabilang parte ng ilog.


Ayon sa ulat ng GMA News, nasira ang tulay na ginagamit ng mga residente roon noon pang Enero dahil sa flashflood.


Bunsod nito, walang magawa ang mga tao patay man o buhay kundi tumawid sa ilog gamit ang zipline sa kabila ng mga panganib.


Ani Henry Belleza, chairman ng Brgy. Hawaiian, Silay City, idinulog na nila ang problema sa national government ngunit naalintana ang paggawa ng bagong tulay dahil sa pandemya.


Patuloy naman umano sila sa pagpapaalala tungkol sa nakabinbin na proyekto nang sa gayon ay masimulan na ang pagpaptayo ng tulay.


"Pina-prioritize naman namin 'yang program/project kaya lanag alam mo naman sa gobyerno. Sa national government namin sinubmit kaya lang wala pa. Umaasa kami na (magawa ng taytay/bridge) sa lalong madaling panahon. Pina-follow up na namin," sabi ni Belleza.


Source: GMA News


No comments:

Post a Comment