CHECK THIS OUT:

Search

Siklista, nahati ang katawan matapos araruhin ng SUV



Nahati ang katawan ng isang siklista sa Meycauayan, Bulacan matapos itong mabangga ng isang SUV na minamaneho ng 63-anyos na matanda.


Kinilala ang biktima bilang si Tani Cruz habang ang driver naman ay nakilala bilang si Ildefonso Magkasi Jr.


Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang aksidente matapos atakihin ng sakit na epilepsy si Magkasi.


Siya mismo ang nagsabi sa pulisya na siya ay sumasailalim sa gamutan para sa kaniyang sakit. Aminado rin siya na isang pagkakamali ang ginawa niyang pagmamaneho sa kabila ng kaniyang kondisyon.


Kasalukuyan ngayong nasa kustodiya ng Meycauayan police si Magkasi at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries, at damage to property.


Sa kabilang banda, apat na rider pa ang naitalang sugatan.


Souce: GMA News


No comments:

Post a Comment