CHECK THIS OUT:

Search

2 taong gulang na bata patay matapos malunod sa timba

Wala ng buhay nang madatnan ng inang si Nerlin Grace Sibayan ang kaniyang dalawang taong gulang na anak matapos malunod sa pinagliliguang timba sa Davao Oriental.


Ayon sa kaniyang panayam sa GMA News, iniwan niya ang kaniyang bunsong anak na si Jay sa lola nitong si Nerlita dahil siya ay aalis upang magtrabaho.


Nag-swimming umano si Jay sa timbang puno ng tubig habang wala ang ina. 'Yun nga lang, iniwan ito ng kaniyang lola Nerlita upang magsaing para sa kanilang almusal.


Maya-maya pa, nang balikan na ng matanda ang apo, laking gulat niya nang mapansin niyang wala na itong buhay.


Dinala niya pa raw ito sa health center na kasalukuyan namang naka-lockdown noon dahil sa mga staff na nagpositibo sa COVID-19.


Sa huli, tuluyan ng pumanaw ang bata. Halos gumuho ang mundo ni Nerlin dahil sa biglaang pagkawala ng bunsong anak.

No comments:

Post a Comment