CHECK THIS OUT:

Search

Pakikisiping ni mister kay kabit, nakunan ng video ni misis

Huli sa akto ang pagtataksil ng isang lalaki sa kaniyang asawa matapos makunan ng video ang kaniyang pakikisiping sa kaniyang kabit.


Ito ang hinaing ni Maribel Malaca, asawa ng inirereklamong mister, at anak nitong si Mariel sa programang Raffy Tulfo in Action.


Ayon kay Maribel, habang siya ay nagpapastol ng kalabaw sa bukid ay abala naman ang asawa niyang si Ariel sa  pakikipag-inuman sa kaniyang kabit na si Marivic Cruz.


Dagdag ni Maribel, matagal ng usap-usapan sa kanilang lugar na may kalaguyo nga ang kaniyang asawa ngunit itinatanggi  ito nang paulit-ulit ni Ariel.


Hanggang sa isang gabi, napansin ni Maribel na hindi pa umuuwi ang kaniyang mister. Hinanap niya ito at nakita sa isang kwarto na natutulog habang hubo't hubad kasama ang kabit.


Bumalik si Maribel sa kanilang tahanan at kumuha ng cellphone upang video-han ang kababuyan ni Ariel at Marivic nang sa gayon ay hindi na sila makapagpalusot.


Gusto ngayong kasuhan ni Mariel ang kanilang padre de pamilya dahil paulit-ulit na lamang umano nitong ginagawa ang panloloko sa kanilang ina.




No comments:

Post a Comment