CHECK THIS OUT:

Search

Aso, halos mahati ang mukha matapos paghahampasin ng sinturon ng lalaki

Duguan at halos mahati na ang mukha ng isang aso sa Quezon City matapos itong paulit-ulit na hatawin ng sinturon ng isang lalaki.


Ang pananakit na ito ng suspek na si Jerry Lobo ay naaktuhan sa isang CCTV footage.


Sa naturang video makikitang walang awang pinaghahampas ni Lobo ang asong si Marga kahit pa tumatakbo na ang aso palayo sa kaniya.


Walang may-ari kay Marga, inaaruga lamang ito ng mga tao sa paligid na nakararamdam ng malasakit sa kaniya gaya ng isang lady guard na si Clair Bangulto.


Ayon kay Lobo, mahilig naman daw siya sa hayop. Nagawa niya lamang saktan si Marga dahil sa palagi siyang tinatahulan at inaangilan nito maging ang kaniyang mga anak.


"Kinatatakutan ko lang 'yung 'pag nakagat ka or 'yung mga bata. what more pa 'yung mga bata na nakagat? Eh magkano po 'yung injection sa anti-rabies? P1,500," pahayag ni Lobo sa kaniyang panayam sa GMA News.


Sa kabutihang palad ay buhay pa naman ang asong si Marga. Pahilom na rin ang kaniyang mga sugat na natamo mula sa pananakit ng suspek.


Hindi inaresto ng veterinary office si Lobo ngunit kailangan pa rin nitong harapin ang mga isasampang asunto dahil sa pagmamaltratong ginawa sa aso.


Sa ilalim ng Animal Welfare Act, mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamalupit sa mga hayop.


No comments:

Post a Comment