CHECK THIS OUT:

Search

Ina na nagbenta ng anak sa halagang P200k, arestado

Dinampot ng awtoridad ang isang ina mula Tagum City, Davao del Norte  matapos niyang ibenta ang kaniyang anak sa halagang P200,000.


Ayon sa ulat ng GMA News "Balitanghali" noong Huwebes (Mayo 20), tahasang nag-post ang ina sa isang Facebook group na kung saan maaaring magbenta ng mga produkto.


Ngunit sa halip na gamit, pagkain o materyales ang ialok ng ginang ay ibinebenta niya ang kaniyang isang taong gulang na anak kapalit ng P200,000.


"Knsay gusto m palit ug bata pm," sabi ng ina sa kaniyang post.


Maraming netizens ang nakakita at naalarma sa alok ng babae kung kaya agad na inireklamo ito sa awtoridad.


Matagumpay naman na naaresto ang ina matapos magsagawa ng entrapment operation ang pulisya ng Tagum City.


Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10364 o Anti-Trafficking in Persons Act at Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.


Source: GMA News


No comments:

Post a Comment