CHECK THIS OUT:

Search

Bayong na puno ng gulay, ginawang pang-souvenir sa kasal


Hinahangaan ngayon ang bagong mag-asawa sa Baguio City dahil sa kanilang ideya na magpamigay ng bayong na puno ng gulay bilang kanilang wedding souvenir.


Ayon sa wedding singer na si Ingrid Payaket, praktikal at naaayon sa sitwasyon ngayong pandemya ang naisip na souvenir ng mag-asawa.


Ang mga gulay ay galing sa  Trading Post, La Trinidad Benguet kung kaya masasabing napakalaking tulong din nito sa mga magsasaka lalo na at karamihan sa kanilang mga tanim ngayon ay natatapon na lamang.


“Natuwa talaga ako nung nakita ko kasi kakaiba and very thoughtful nung bride. Maliban sa eco-friendly nakakatulong pa siya sa kalusugan lalo na at pandemic pa. And also, creative and eye-catching ’yung pag ka package nila,” sabi ni Payaket.


Maraming netizens din ang natuwa sa simpleng inisyatibo ng mag-asawa lalo pa at kailangan din ng mga tao ngayon ang masusustansiyang pagkain gaya ng gulay bilang proteksyon sa anumang sakit.


"Aw hindi ka lang praktikal kundi matulungin pa both side nakatulong siya from sa pinagkuhanan at sa mga bibigyan nyang guest kc pwede nila gamitin yang pang luto.. Hnd lng ung guest nabusog pati ung pamilya ng guest kahit hnd nagpunta oh dba bravo!!!" pagbabahagi ng isang netizen.

No comments:

Post a Comment