CHECK THIS OUT:

Search

Ginang, nakita ang mga nawawalang pera matapos habulin ang isang daga

"Blessing in disguise" kung maituturing ng isang ginang ang paghabol niya sa isang daga na sumuot pa hanggang sa loob ng pader ng kanilang tahanan kamakailan.


Ayon kay Sherryl Anlap Tayhopon na siyang nagbahagi ng kwento sa Facebook, nakita niya ang daga sa loob ng kanilang bahay kung kaya sinundan niya ito upang hulihin.


Iyon nga lang, pumasok ang daga sa isang bahagi ng kanilang pader na may kadiliman.


Dahil dito kumuha si Tayhopon ng flashlight at saka pinailawan ang naturang pader kung saan sumiksik ang daga. 


Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagulat si Tayhopon dahil sa halip na daga ay mga perang papel ang bumungad sa kaniya.


"Gin himo mo pa alkanseya ang mga dingding ko d. Kabalo ka gd mag pili, kadako gd sg gn pang tago mo," saad ni Tayhopon sa kaniyang post patungkol sa daga.


["Gumagawa ka pa ng isang piggy bank sa aking mga dingding, Alam mo kung paano pumili, kung magkano pa ang kailangan mong itago,"]


Napag-isip-isip ni Tayhopon, daga lang pala ang salarin kung bakit palagi na lamang nagkukulang ang kaniyang pera na para sa pag-aaral ng kaniyang mga anak gayong wala namang tao sa kanila.


May mga P1,000, P500, P50, at P20 sa mga nakitang pera ngunit ilan sa mga ito ay may sira na.


Umaasa ngayon si Tayhopon na mapapalitan pa ang mga ito sa bangko upang kaniyang mapakinabangan.


No comments:

Post a Comment