CHECK THIS OUT:

Search

Doktor na topnotcher sa board exam, piniling magtrabaho sa liblib na lugar kaysa mag-abroad

 


Sa kabila ng maraming oportunidad na ibinigay sa doktor na si Temi Paul "Tipoy" Villarino upang kumita ng mas malaki mas pinili niya pa rin ang manatili sa bansa at magbigay ng serbisyo sa isang liblib na lugar.


Si Villarino ay top 9 sa 2019 physician board exam kaya naman laksa-laksang alok galing pang ibang bansa ang nagsilapitan sa kaniya.


Gayunpaman, dahil sa pangakong maglingkod sa kanilang lugar na kulang sa atensiyong medikal, pinili niyang manatili sa Godod, Zamboanga del Norte, kung saan siya isinilang at lumaki.


Ang Godod ay may 18,000 populasyon ngunit si Villarino lamang ang tanging municipal doctor na maaasahan ng lugar.


Kwento ni Villarino, hindi man madali ang tinatahak niyang landas, nais niya pa rin makatulong at maging solusyon sa napakaraming problema ng bansa lalong lalo na sa pagbibigay ng atensyong medikal.


"Napakadaling magreklamo po, sa totoo lang. Sa dinami-dami ng problema na pinapasan ng ating bansa, napakadaling magreklamo...But I’m trying my best to be part of the solution by being a physician, a doctor sa malayo at mahirap na bayan,” saad ni Villarino sa kaniyang panayama sa I-Witness, isang TV program.


Sa ngayon, ang pinakalayunin ng butihing doktor ay mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lugar ng Godod.


Panooring ang kaniyang kuwento sa I-witness

No comments:

Post a Comment