CHECK THIS OUT:

Search

Anak, nagsisilbing mata ng kaniyang mga magulang na parehong may kapansanan

Sa ating kinagisnang buhay, namulat ang marami na ang mga magulang ang dapat na gumagabay sa kanilang mga anak.


Gayunpaman, hindi ito ang kalagyan ng mag-asawang Roberto at Rowena Gargoles dahil ang kanilang anak na si Dodong ang kanilang araw-araw na gabay.


Ang kwentong ito ng pamilya ay viral ngayon online dahil sa mga larawan nilang ibinahagi ng mga Facebook users na kung saan makikitang may lubid na nakatali sa baywang ni Dodong at nakakonekta sa kaniyang ama upang magabayan sila sa paglalakad.


Lingid sa kaalaman ng karamihan, una ng naitampok ang kwento ng pamilya sa Kapuso mo, Jessica Soho noong 2018 at sa GMA News noong 2020.


Base sa kanilang panayam, nabulag si Rowena matapos magkaroon ng tigdas noong siyam na buwang gulang pa lamang habang si Roberto naman ay nabulag noong siya ay dalawang taong gulang matapos paglaruan at ipasok ssa loob ng ilong ang upos ng tabako.


Nang magtagpo ang dalawa, marami ang humadlang sa kanilang pagsasama ngunit dahil sa kanilang pagmamahalan ay nanatili sila sa piling ng isa't-isa.


At ngayong may anak na sila, tila ba nagkadireksyon at nakulayan ang kanilang madilim na buhay sa kamay ng mapangkutya at mapagkait na mundo.  

No comments:

Post a Comment