CHECK THIS OUT:

Search

Bride, ibenebenta ang wedding supplies matapos mambabae ng kaniyang groom


Bagsak presyo ngayong ibinebenta ng isang babae ang dapat sana'y gagamitin sa kaniyang kasal matapos niya umanong madiskubre na nambabae ang kaniyang groom.


Kwento ni Danica sa kaniyang panayam sa Kapuso mo, Jessica Soho, ang kaniyang kasal sa 11 taon niyang kasintahan ay dapat sana noon pang Disyembre noong nakaraang taon ngunit dahil sa mga hindi inaasahang problema at sitwasyon dala ng pandemya, naurong ito nang urong hanggang sa mapagdesisyunan na gawin itong Mayo 15 ngayong taon.


Dagdag niya, plantsado na ang lahat ng kanilang gagamitin sa kasal at nakahanda na rin ang kanilang titirhang bahay bilang mag-asawa.


Naalintana lamang ang lahat nang isumbong ng kapatid ni Danica na mayroong kasamang babaeng naka-swimsuit sa isang larawan ang kaniyang soon-to-be husband.


Kinompronta ni Danica ang kaniyang nobyo hanggang sa umamin na ito na siya nga ay may itinatagong girlfriend sa loob ng isang taon sa kabila ng kanilang mahigit isang dekadang pagsasama.


Dahil dito, napagdesisyunan ni Danica na huwag na lamang ituloy ang kasal at ibenta na lamang ng lahat ng kanilang gagamitin para rito sa murang halaga upang kahit papaano ay mabawi ang kaniyang mga ginastos.


Kabilang sa mga ibinebenta ay ang wedding ring na may halagang P45,000 ngunit ngayon ay inaalok na lamang  sa halagang P26,000, wedding gown sa halagang P10,000 mula P20,000, bride's shoes sa halagang P2,000 mula sa P4,295,  wedding reception at catering package at marami pang iba.


Pagbabahagi ni Danica, ang kabuuang gastos sa kanilang nakatakdang kasal ay mahigit P700,000 ngunit ang naiambag lamang ng groom ay humigit kumulang P230,000 kung kaya hindi na raw nila paghahatian ang perang malilikom sa pagbebenta niya ng wedding supplies.


Ipinapaubaya na rin ni Danica sa kaniyang dating nobyo ang isang motor and dalwang sasakyan na napundar nila sa tagal ng kanilang relasyon

2 comments: