CHECK THIS OUT:

Search

74-anyos na lola, buwis buhay ang pag-igib sa matarik na bundok

 


Buwis buhay na sinusuong ng 75-anyos na lola ang kabundukan sa  Sitio Calibasan sa Toledo City sa Cebu para lamang makakuha ng kaniyang suplay ng tubig.

Base sa kaniyang panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho, mag-isa na lamang sa buhay si Lola Matilde kung kaya wala siyang maasahan sa pag-iigib maliban na lamang sa kaniyang sarili.


Sa tuwing mag-iigib ang matanda, kailangan niyang tahakin ang makibot, mabato, at matarik na daan patungo sa tuktok ng bundok.


Halos dalawang oras itong nilalakad ni Lola Matilde marating lamang ang isang bukal na maaari niyang mapagkunan ng tubig na maari niyang inumin at gamitin sa mga gawaing bahay.


Pusan niya sa kaniyang likuran ang tatlong galon na kung mapupuno ng tubig ay aabot sa bigat na 12 kilo.


Aminado ang matanda, na masakit sa paa, balikat at ulo ang kaniyang ginagawang pag-akyat at pag-igib sa bundok ngunit wala siyang magawa dahil walang ibang tutulong sa kaniya.


Nawa'y maging aral sa lahat ang kwento ni Lola Matilde. Nawa'y lagi natin isipin na lubos tayong pinagpala sa bawat patak ng tubig na mayroon tayo sa ating mismong mga tahanan.

Watch:


No comments:

Post a Comment