CHECK THIS OUT:

Search

Super Tekla, nakabili na ng bago at magandang tahanan


Masayang ibinahagi ng komedyanteng si Tekla sa vlog nila ni Donita Nose ang itsura ng kaniyang bago at sariling bahay na nakuha niya mula sa katas ng kaniyang paghihirap.


Mayroong dalawang palapag at apat na kwarto ang bahay ni Tekla. Isa sa mga silid ay plano niya pang gawing opisina o studio upang mayroon siyang maayos na lugar sa paggawa ng kaniyang mga content para sa kaniyang Youtube channel.



Ayon sa komedyante, hindi niya inaasahan na balang araw ay makabibili siya ng sarili niyang tahanan lalo pa at napakarami niya umanong pinagdaanang hamon sa buhay sa gitna ng COVID-19 pandemic.



Payo niya sa kaniyang mga manonood, dapat ay magpatuloy sila sa pagtitiyaga, pagsusumikap, at pagtitiwala sa Diyos nang sa gayon ay maabot din nila ang kani-kanilang pangarap.



Nagpasalamat din si Tekla sa mga taga suporta nila ni Donita na walang sawang nagla-like, nagshe-share, at nanonood ng kanilang mga vlog.



Sa ngayon ay wala pang laman ang bahay ni Teka ngunit aniya mag-uumpisa na siyang mag-ipon upang unti-unting makabili ng gamit at makapagpakabit ng tiles.


No comments:

Post a Comment