CHECK THIS OUT:

Search

Kris Aquino, nag-impake para mamuhay sa probinsiya kasama si Bimby


Probinsiya life ang magiging peg ng aktres at TV host na si Kris Aquino dahil pansamantala nitong iiwan ang siyudad para mamuhay sa probinsiya kasama ang anak na si Bimby Aquino.


Sa katunayan ay nakapag-impake na si Kris at handa ng lumipat sa beachfront house na nirentahan  niya sa probinsiya ng anim na buwan.


Ayon sa kaniya, regalo niya talaga sa kaniyang sarili ang desisyong manirahan sa probinsiya upang mas lalo niyang maprotektahan ang kaniyang kalusugan.


Naniniwala kasi ang aktres  na maibibiggay niya lamang ang mga pangangailangan ng kaniyang mga anak kung mapapanatili niyang maayos ang kaniyang kalusugan.


Dadag pa ni Kris babalik na lamang  siya sa Central Luzon kada  anim na linggo upang bisitahin ang kaniyang panganay na si Josh na nahanap na raw ang kasiyahan sa Tarlac.


Una ng nanirahan si Kris at ang kaniyang mga anak sa tabing dagat  nang ma-stuck sila sa beach-resort property ni Willie Revillame sa  Puerto Galera noong March 15 hanggang May 30 ng nakaraang taon.


No comments:

Post a Comment