CHECK THIS OUT:

Search

Rica Peralejo, ibinulgar ang tunay na naging relasyon kay Piolo Pascual


Isiniwalat ng aktres na si Rica Peralejo sa kaniyang Youtube vlog ang tunay na naging relasyon niya sa aktor na si Piolo Pascual limang taon na ang nakararaan.


Ayon kay Rica, karamihan sa mga natatanggap niyang katanungan ay tungkol sa namagitan sa kanila ng aktor kung kaya napagdesisyunan niya ng magpahayag ng kasagutan.


Kwento niya, totoong na-inlove siya noon kay Piolo na 29 na taong gulang nang makilala niya habang siya naman ay edad 24.


Naging malapit sila nang maging magkatrabaho sa "Sa Piling Mo," isang programa sa ABS-CBN. Ngunit aniya, kailan man ay hindi nagkaroon ng label ang kanilang relasyon. 


Gayunpaman, naging seryoso ang kanilang intensyon na kilalanin ang isa't-isa lalo pa at pareho na silang nagkagustuhan.


Sa kasalukuyan ay happily married na si Rica sa asawang si Joseph Bonifacio. Ikinasal sila noong 2010 at ngayon ay may dalawa ng anak.

No comments:

Post a Comment