CHECK THIS OUT:

Search

Ama ni Manilyn Reynes, pumanaw na sa edad na 74


Humihingi ngayon ng taimtim na dasal si Manilyn Reynes dahil sa pagpanaw ng kaniyang ama na si Nelson Reynes sa edad na 74.


Sa Instagram ay ipinost ni Manilyn ang larawan nilang mag-ama na may caption na "Pahinga kana dy, We all love you very much."


Nito lang nakaraang Biryenes, matatandaang humingi ang aktres sa kaniyang mga social media follower ng dasal para sa kaniyang ama. 


“Please help us pray for Daddy." aniya.

Bilang pagtugon, ginamit naman ng kaniyang mga tagasuporta ang hastag na #Prayersfordaddynelson.


Ibinahagi rin ni Manilyn ang isang Bible verse mula sa Isaiah 41:10, “So do not fear, for I am with you: do not be dismayed for I am your God. I will strengthen you and help you: I will uphold you with my righteous right hand.”


Ayon kay Manilyn matagal na raw nitong alam na may sakit ang kaniyang ama ngunit patuloy daw itong lumalaban kung kaya tumagal pa ng ilang taon ang kaniyang buhay.


Bumuhos naman sa IG account ni Mane ang mga mensahe ng pakikiramay mula sa kanyang mga fans at ilang kaibigan sa showbiz kabilang na sina Janno Gibbs, Arthur Solinap, John Feir, Jackilou Blanco at marami pang iba.

No comments:

Post a Comment