CHECK THIS OUT:

Search

Misteryosong anino sa isang tahanan, kinatakutan ng netizens

 Nakatitindig balahibo ang naging tagpo sa isang viral video ngayon na ini-upload sa sikat na application na Tiktok dahil sa misteryosong anino na makikitang lumiligid-ligid sa isang tahanan.


Ayon sa uploader, ganap na 3:30 ng madaling araw nang mapansin niyang may dumaraan na anino sa kanilang bintana na tinatakpan ng isang kurtina.


Hindi niya raw mawari kung ano ba ito kung kaya ginising niya ang kaniyang ina.


Itinaboy ito at sinasabingg bumalik na sa kaniyang pinanggalingan ngunit patuloy ppa rin sa pabalik-balik na paglalakad ang nasabing anino.


Tinawag daw nila ang guwardiya sa kanilang lugar ngunit ayon rito, wala naman umanong tao sa labas ng kanilang tahanan.


Dito na nagsuspetya ang pamilya na hindi tao kung hindi masamang elemento ang umaaligid sa kanilang bintana.


https://youtu.be/nhbM11PTzAU

No comments:

Post a Comment