CHECK THIS OUT:

Search

Kris Aquino, muntik ng isugod sa ospital dahil nasugatan ng rose quartz

 

Muntik ng dalhin ang TV host at aktres na si Kris Aquino sa emergency room ng ospital matapos itong masagutan sa paa ng kaniyang rose quartz na ginagamit niya umano pampagaling ng kaniyang balat.


Sa isang Instagram post ay ikinwento ni Kris kung paano siya aksidenteng nasugutan ng kaniyang rose quartz noon lamang Linggo.


Aniya, nagbabad siya sa kaniyang bath tub na mayroong essential oil at nilagyan ng uncut rose quartz na makatutulong umano sa kaniyang paggaling dahil bukod sa pagkawala ng boses ay mayroon siyang urticaria, isang sakit sa balat na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mapupulang pantal.


Matapos ang 15  minuto ay tumayo na raw ito at nag-mild shower. Maya-maya pa ay napansin niyang balot na ng dugo  ang kaniyang kaliwang paa. Laking gulat daw niya dahil hindi naman niya naramdamang nasugatan siya.


Ayon sa doktor ni Kris, mabuti na lamang at hindi natamaan ang isa sa kaniyang mga ugat dahil kung hindi ay dadalhin na ito  sa ospital.


Dagdag ni Kris, bilang aral na nakuha mula sa insidente ay titigilan na muna niya ang paggamit ng rose quartz.

No comments:

Post a Comment