CHECK THIS OUT:

Search

Julia Barretto, pangarap maging housewife


Sa kabila ng murang edad, pangarap na ng aktres na si Julia Barretto, 23, ang magkaroon ng pamilya at maging isang mabuting may bahay sa kaniyang magiging asawa.


Sa podcast ng businesswoman na si Angely Dub na Life in Progress, ibinahagi ni Julia na gusto niya talagang maagang bumuo ng sariling pamilya nang sa gayon ay maalagaan at magkaroon siya ng sapat na oras sa kaniyang magiging asawa at mga anak.



Sa kasamaang palad, nang dahil sa pandemya ay napurnada ang planong ito ng aktres kung kaya hindi niya matiyak kung kailan ba darating ang oras na siya  ay mag-aasawa.



Dagdag pa ni Julie, alam niya na mahirap ang maging isang maybahay ngunit natutuwa raw siya na sa henerasyon ngayon mas nagiging mataas na ang pagkilala at pag-respeto sa mga kababaihan.



Sa kasalukuyan ay pinaghihinalaan na karelasyon ngayon ni Julia ang aktor na si Gerald Anderson ngunit hanggang ngayon ay wala pang nagbibigay linaw sa kanilang dalawa patungkol sa isyu.


No comments:

Post a Comment