Nagbigay babala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) patungkol sa pagbili at paggamit ng sumisikat na laruan na lato-lato na may ilaw.
Ayon sa FDA na hindi sila nakasisiguro sa kalidad at kaligtasan ng naturang laruan.
dagdag pa ng FDA, hindi pa dumaan sa kanilang pagsusuri ang naturang laruan, at wala pa itong certificate of product notification na rehistro sa pag-apruba para ibenta sa merkado ang produkto.
Babala ng ahensya, posibleng mayroon itong materyales na peligroso sa kalusugan.
Kaugnay nito, inabisuhan din ng FDA ang mga establisyimento na itigil muna ang pagbebenta nito.
No comments:
Post a Comment