CHECK THIS OUT:

Search

Isang Lalaki, nabulag ang isang mata matapos umanong matalsikan ng bagoong


Ang lalaki na taga Lingayen, Pangasinan ay nagsusuot na ng salamin sa edad na 22-anyos tuwing ito ay lalabas ng bahay para maitago ang isa niyang mata na nabulag matapos umanong talsikan ng bagoong.


Ayon kay Jerry Caguioa nangyari ang insidente noong nakaraang Marso sa pinapasukang trabaho sa pagawaan ng bagoong sa Nueva Ecija.


Naramdaman daw ni Jerry ang matinding hapdi sa mata, na nasundan nang matinding sakit hanggang sa nawalan na siya ng paningin.


"Mahapdi na po yung mata ko nu'n eh. Pagkatapos po nu'n, hinugasan ko na po. Pero kinuskos ko muna bago ko hinugasan kasi sobrang hapdi po niya," kuwento ni Jerry.


"Wala po akong nakikita ngayon. Mahirap tanggapin na alisin po yung isang mata," dagdag niya.


Dahil sa nangyari sa isa niyang mata, nawalan umano ng kompiyansa sa kaniyang sarili si Jerry.


Hindi na rin makabalik ng ospital si Jerry para maipasuri pa ang kaniyang mata dahil sa kahirapan.


Nakikiusap ang ina ni Jerry na si Geraldine na sana ay matulungan sila para maipaopera ang mata ng kaniyang anak.


Ayon sa isang opthalmologist, nagdudulot umano ng pagkairita sa mata ang mga kemikal at maruming bagay na tumatama sa mata na maaaring humantong sa pagkabulag.


Kaya naman makabubuti umanong magsuot ng proteksiyon sa mga mata kung may gagawin na maaaring makasama sa mga mata.


"Siyempre madumi yun 'di ba, puwede siyang mag-cause ng infection sa mata. Tapos yung infection ay lumala, doon siya puwedeng maging grabe. Puwede siyang mag-cause ng pagkabulag," ayon kay Dr. Charisse Sanchez-Tanlapco, Opthalmologist.


No comments:

Post a Comment