CHECK THIS OUT:

Search

Magkapatid, kanin at asin ang baon sa eskuwela dahil sa kahirapan


Tuwing oras ng recess, lumalabas ng school ang magkapatid upang hindi makita ng ibang estudyante ang kanilang baon na kanin na asin lang ang ulam.


Ang magkapatid na Arnold, 13-anyos, at Christine, 11, ng Butuan City, Agusan del Sur. Dibaleng kanin at asin lang ang baon ang importante nakakapag aral.


"Palagi kaming tinutukso ng mga kaklase namin kaya umiiyak na lang, lumalabas para matigil ang mga pangangantiyaw sa amin," sabi ni Arnold.


Hindi na tumitingin sa baon ng kaniyang mga kaklase si Christine dahil kung minsan ay nakikita niyang fried chicken ang ulam ng kaniyang kaeskuwela.


Ang mag kapatid ay nakatira lamang sa kubo ng Barangay San Vicente. Walo silang magkakapatid, magsasaka ang ama, at walang hanapbuhay ang kanilang ina.


Nakalubog sa tubig ang kanilang bahay at walang kuryente. Kaya sa gabi, kailangan nilang gumamit ng gasera kapag may kailangang gawin sa pag-aaral.


Grade 4 student si Christine, na ayon sa kaniyang guro ay attentive at nakikibahagi sa klase. Habang ang mas matandang si Arnold, nasa Grade 3. Lumalabas na maraming araw na lumiliban ang binatilyo dahil kailangan niyang tumulong sa kaniyang magulang sa bukid.


Ayon sa pediatrician na si Dra. Ma. Realiza Henson, may masamang epekto sa katawan ang labis na pagkain ng asin. "Kapag too much ang intake magiging malnourished,  ma-affect yung heart, tapos yung kidney, brain," saad niya.


Samanatala umaabot lang sa P500 ang kita ng kanilang ama kada linggo. Kahit sa bahay, napipilitan din magdildil ng asin ang pamilya.


Aminado ang ina nina Arnold at Christine na masakit sa damdamin nila na hindi maibigay ang masarap na ulam para sa kanilang mga anak.


Nagkaloob naman ng full scholarship kina Arnold at Christine ang lokal na pamahalaan. Bukod sa regalong pangkabuhayan para sa kanilang magulang.

No comments:

Post a Comment