CHECK THIS OUT:

Search

Isang lalaki patay matapos aksidenteng mabaril ang sarili sa Batangas


Patuloy ngayong inaalam kung saan galing ang baril na kumitil sa buhay ng isang lalaki sa Taysan, Batangas na siya mismo ang may hawak bago umano itong aksidenteng pumutok.

 

Labis ang pag hihinagpis ang 27 anyos na si Norbel sa nangyari sa kaniyang nakababatang kapatid na si Marlon Hobias 24 anyos. Aksidenteng nakalabit ni Marlon ang hawak-hawak nabaril. “ Kung alam ko lang pong ganun ang nangyare sakaniya sa hindi nalang po ako umalis.” Sabi ni Norbel.

 

Kuwento ng pamangkin ng biktima, masaya pa raw nilang ipinagdiwang ang kaarawan ni Marlon, gabi noong January 18. “Kami ngang dalawa ay nakakatuwaan pa kausap ko ang kaniyang kapatid sa cellphone sabi niya ay birthday niya. “ sabi ni Luie Bregonia.

 

Lasing daw si Marlon ng umuwi ng bahay at may hawak na daw itong baril wala naman daw idea ang mga ka anak ng biktima kung saan galing ang baril.

 

Maging ang pulisya ay blanko sa pinanggalingan ng baril na kumitil sa buhay ni Marlon.

 

"'Yung baril, hindi ma-establish kung kanino... 'yung baril po hindi po dapat pinaglalaruan... at 'yun pong baril dapat po 'yan ay lisensiyado at dapat po alam po natin 'yung safety ng baril," sabi ni Police Major Arnold Bianzon, hepe ng Taysan Police Station.

No comments:

Post a Comment