Sa Mandaluyong City, arestado ang isang empleyado dahil umano sa pagkakabit ng spy camera sa loob mismo ng restroom ng mga babae.
Ayon sa Anti-Cybercrime Group (ACG) sinabing hi-tech ang nangbobosa sa opisina sa Barangay Plainview ng lungsod.
Napansin ng mga awtoridad ang CCTV camera na nakalagay sa lababo ng banyo ng mga babae.
Ito ay nakabalot ng foil ang maliit na camera at ito at nakalagau sa isang powerbank. Isang babae ang nakapansin sa camera kaya ibinigay ito agad sa pulisya.
"May video camera, nakita nila. Purpose nito, recording. It can capture videos ng mga babae na gumagamit ng specific restroom na iyon," Ayon kay Police Lt. Col. Jay Guillermo, PNP-ACG Public Information Office.
Ayon sa kanilang pagsusuri, nakitang pumasok sa CR ng mga babae ang liaison officer ng kumpanya na si Wilfredo Mendoza, ilang sandali bago mabisto ang spy camera.
Nagtangka pa umanong tumakas ang suspek nang magkabistuhan, pero pinigilan siya ng mga kaopisina hanggang sa makarating ang mga pulis at inaresto si Mendoza.
Isa sa mga reklamong kakaharapin ni Mendoza ay ang paglabag sa Republic Act 9995 o ang Anti Photo and Video Voyeurism Act, ayon kay Guillermo.
No comments:
Post a Comment