Sampung katao kasama na ang batang limang buwan palang ang patay dahil sa sunog sa Muntinlupa City. Nagsimula ang apoy sa Barangay Putatan sa oras na 8:52 a.m.
Ayon sa Bureau of Fire Protection lumaki pa ang apoy bandang 9:02 a.m at dineklarang under control.
Sinabi naman ni Fire Supt. Eugene Briones, ang mga nasawi sa sunog ay ang mag kakapamilya natrap sa loob ng bahay.
"Confirmed po na magkakapamilya at nakuha na po mga katawan nila," Sabi ni Briones.
Ayon naman kay Cynthia Esporlas, ang mga nabiktima ay gusto lamang nilang mag celebrate ng holidays dahil sila ay kumpleto.
"Maaring hindi nila agad nalaman na may sunog na, kasi yung nasa baba yung matatanda na may ginagawa at nasa 2nd floor naman late na nila nalaman," Ayon kay Briones.
Nag i-imbestiga parin ang mga awtoridad at ang Muntinlupa Mayor na si Ruffy Biazon ay sinisigurado na bibigyang assistance ng local government.
"‘Ongoing ang assessment ng Social Services Department at ipinag-utos ko ang agarang pagbibigay ng tulong sa lahat ng apektado, lalo sa pamilya ng mga binawian ng buhay. Nakikiramay po ako at ang buong Pamahalaang Lungsod sa pamilya ng mga pumanaw sa sunog na ito," sinabi ni Biazon.
No comments:
Post a Comment