Marami netizens ang nagbalik-tanaw sa kanilang buhay-estudyante nang magbahagi ang facebook user na si Ray Tanega ng pinost niyang larawan ng bunot at floor wax sa group na Nostalgia Philippines.
“Dito ako noon natutong sumayaw,” biro niya. Natuwa naman dito and ilang Facebook user, kabilang na si Ann Marie na nagsabing kahit walang music ay tiyak na sasayaw ka talaga habang gamit ang bunot.
“Sa pagbubunot, papawisan ka na. ‘Di mo na kailangang mag-Zumba,” komento naman ni Eliane A.
Bukod sa katuwaan habang naglilinis, may ilan ding masayang makitang makintab ang kanilang sahig kaya naman naipasa na rin nila ang pagbubunot maging sa kanilang mga anak.
“Gumagamit pa kami niyan ngayon pampakintab ng aming sahig na semento at masaya ako na na-introduce ko ito sa mga anak ko,” sabi ni Rescober.
“Noon sa school at sa bahay namin gamit yan. Sa bahay ang sarap humiga at magbasa ng komiks pagkatapos o makinig sa radio drama lalo na’t malamig pa ang panahon noong araw di tulad ngayon,” sabi naman ni B. Principe.
Maging ang mga kalokohan noong kanilang kabataan ay nanumbalik din sa alaala ng iba. “Magugulat na lang classmate mo ‘pag nasa bahay na nila tapos pagtingin nila ng bag, nandoon na ‘yong coconut husk,” sabi ni C. Barlahan.
Nagpasalamat naman si Z. De Sagun dahil sa masasayang memories dulot ng throwback post. “Ako noon may paboritong bunot dahil marami kaming bunot. Thank you again for reminding me how fun my childhood was,” komento niya.
Mayroon ka rin bang ‘di malilimutang karanasan sa paggamit ng bunot at floor wax noong iyong kabataan?
No comments:
Post a Comment