Si Michael Cabanday Cariaga ay hindi ikinakahiya ang kaniyang ina na isang kubrador ng jueteng " “Yes, you heard it right and I am wholeheartedly proud to declare in front of so many people that I am the son of a single mother whose occupation is a small town lottery agent—or in our most common language—paghu-jueteng."
“Ikinahihiya ng iba, ngunit ipinagmamalaki ko!” Ani ni Michael sa kanyang facebook account.
Nag mula sa Meycauayan, Bulacan siya ay nakapag tapos ng Bachelor of Secondary Education, specialize in Filipino language and literature sa Arellano University bilang magna cum laude na may GPA na 1.08.
Ilang beses na din na pinagtabuyan ng sarili nilang tatay at lumipat sila sa ibat ibat lugar, dumating pa sa puntong nanglilimos na lang sila ng ulam sa mga kapit bahay.
Ang kaniyang Ina ay nahuli ng dahil sa jueteng at maraming marites na sinasabing walang makakapag tapos sa kaniyang anak dahil sa jueteng, at nangyari na nga iyon dahil ang kanyang dalawang kapatid ay hindi nakapagtapos.
Ngunit hindi iyon hinayaan iyon ni Michael at siya ay nakapag tapos ng pag aaral at isa din siyang magna cum laude.
Noong mag kokolehiyo na si Michael wala itong binayaran maski piso dahil siya ay nag apply ng scholarship sa malaking unibersisdad, “Ang pagtatapos kong ito ay hindi lamang dahil sa pagsisikap at pagpupunyagi ko, kundi malaking bahagi nito ang napakaraming tao na ginawang instrumento ng Diyos upang maisakatuparan ko ito.”
Kaya naman siya rin ang tinanghal na 2022 Overall TOP 1 at Class Valedictorian sa pitong campus ng unibersidad.
No comments:
Post a Comment