CHECK THIS OUT:

Search

Sabay na nakapagtapos sa ALS ang mag asawa sa Cebu



Wala makakahangrang kung gusto mong makamit ang iyong pangrap ika nga. Yan ang ipinakita ng isang mag-asawa na nakapagtapos ng Alternative Learning System (ALS) sa Dalaguete, Cebu.


Nagtapos sa Junior High School si Rochelle dela Torre habang sa elementary naman ang asawa niyang si Edgardo.


Ayon sa mag-asawa, napilitan daw silang tumigil sa pag-aaral noon dahil sa hirap ng buhay ngunit nang magkaroon ng pagkakataon na mag-aral sa pamamagitan ng ALS, hindi daw nila ito pinalagpas.


Si Edgardo ay isang hollow block maker at si Rochelle naman ay full-time na ina dahil sila ay pursigidong makapagtapos ang kanilang pag-aaral.


Samantala, hindi naman naging hadlang ang kapansanan para sa 29-taong-gulang na si Ramil Asya.


Si Ramil ay isa ring mag-niniyog mula sa Mulanay, Quezon at itinuturing siyang inspirasyon ng Barangay Sta. Rosa, Putol daw kasi at hindi kumpleto ang kanyang mga daliri sa dalawang kamay.


Hindi din daw pantay at may deformity ang kanyang mga binti mula raw pagkabata ngunit pagdating sa pagbabalat ng niyog, hindi papahuli si Ramil.


Dahil sa kahirapan, hindi na daw sila nakapag-patingin sa doktor at tumigil din siya sa pag-aaral para makatulong sa pamilya gayunman, patuloy si Ramil na umaasa na makakapag-patuloy pa siya ng pag-aaral.

No comments:

Post a Comment