CHECK THIS OUT:

Search

Isang Sekyu, napatay ang dalawang katrabaho dahil hindi tinirahan ng ulam



Isang Security Guard binarily at napatay ang dalawang kapwa niyang sekyu sa isang bahay sa Makati City. Nagalit umano ang suspek nang makita niyang walang ulam sa hapag kainan.

 

Nitong Miyerkules, kinilala ang mga biktima na sina Jay-Ar Tomenio at Eugene Sitjar na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at sikmura.

 

Ang suspek na si Julius Cortez naaresto naman ng mga pulis na tinangka pa umanong tumakas sa katabing subdibisyon.

 

“Nung hapon nag-inuman yung suspek kasama yung isang victim. Pagkatapos nilang mag-inuman, may naihain na pagkain nilatag sa mesa, napansin nitong suspek na yung pagkain lang nandon is rice wala yung ulam, so uminit yung ulo niya,” ayon kay Police Colonel Edward Cutiyog.

 

Itinuro ng dalawang saksi na si Cortez ang bumaril sa mga biktima. Hindi naman nagbigay ng komento ang suspek tungkol sa nangyaring krimen.

No comments:

Post a Comment