CHECK THIS OUT:

Search

Isang Ama nagawang ngumiti kahit na kanin na may tubig at asin ang ulam



Ang pahayag ng ama ay mahirap ng maging mahirap dahil sa kalagayan nito sa palawan, Ang padre de pamilya ay nag viral sa social media ng makita ng kaniyang anak na nag aalmusal ng kaunting kanin na snabawan ng tubig at asin bago sumabak sa trabaho bilang karpintero.


Ang Ama ay si Amero Jocame, 61 years old na nakatira sa Puerto Princesa, Palawan. ang pag lilinaw ni Prince ang anak ni Amero hindi niya planong kaawaan ang kalagayan ng kaniyang ama habang kumakain ng konting kanin na may tubig at asin.


Ang sinabi ni Prince ay inabutan niya lang ang kaniyang ama bago sumabak sa pag tatrabaho dahil kahit yun lang ang kaniyang kinakain naka ngiti parin ang kaniyang ama sa pag kain.


Ayon naman kay tatay Amero na itinatagoniya angpag kain niya ng almusal dahil ayaw niyang mag alala pa angkaniyang pamilya kung ano ang kaniyang kinakain bago siya sumabak sa trabaho.


Nalaman din nila na sa loob ng isang linggo 3 beses siyang kumakain ng kanin ng may tubig at asin dahil wala na silang ibang makain.


Mayroong 11 anak si Amero at sumisideline lang sa pagbebenta ng unan ang asawa niya  na si Nanay Bing, Sa isang araw, masuwerte na kung kumita si Amero ng P500. Kaya naman madalas na kinakapos sila sa pagkain. 


Laging inuuna ni Amero na makakain muna ang pamilya, at kung mauubusan, kanin na sinabawan ng tubig at asin muli ang kaniyang magiging panglaman sa tiyan.


Ayon sa kaniyang asawa at mga anak napaka mapagmahal at masipag ang kanilang padre de pamilya. Sa tingin ni tatay Amero nakadikit na sila sa hirap ng buhay. "Mahirap talagang maging mahirap," saad niya.  Kung maalat umano ang asin, mas maalat pa raw kung minsan ang kapalaran.


Sa mahal ng bilihin, nagiging pangarap na lang para kay Tatay Amero na makatikim ng masarap na pagkain tulad ng lechon at relyenong bangus.


"Parang iniwan ka na ng Maykapal. Parang ikaw na yung pinakawalang pag-asa. Hindi mo maingat- angat ang sarili mo kapag ika'y talagang mahirap," saad ni Amero.


Si Amero ay ilan lang umano sa pamilya na nakararanas ng gutom na sinasabing lumalala noong nagkaroon ng pandemya.


Ang lokal na pamahalaan at ang "KMJS," nag-abot ng tulong pinansiyal kay Tatay Amero. Gagamitin daw niya ang pera upang ibili ng hayop na maaalagaan at mapaparami tulad ng mano ng itik.

No comments:

Post a Comment