CHECK THIS OUT:

Search

42 taong gulang na Ina naka graduate ng SHS sa tulong ng 4Ps

 


Isang 42 years old na Ina at benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Getafe, Bohol. pinatunayan na hindi pa huli ang lahat para makapag tapos sa edukasyon at tuparin ang pangarap sa buhay.


Si Chelia Suello ay tinapos niya ang pag aaral sa Senior High School at nag babalak pa itong mag enroll sa college para makakuha siya ng degree sa Midwifery.


Kahit na mahirap lang sila, si nanay Suello ay may apat na anak, at nababalanse nito ang pagiging asawa, Ina, at isanv active na 4Ps parent leader sa kanilang lugar.


Kaya si Suello ay nagdesisyon na tapusin ang high school kahit na may COVID-19 pandemic, at noong nag karoom ng online classes ang Department of Education (DepEd) nakatulong pa daw ito sakanya.


Ang sinabi pa ni Suello kahit na nakapag tapos na siya ng high school naisipan parin itong ituloy ang pag aaral ng K-12 and ang kanyang kinuha sa senior high school ay General Academic Strand (GAS) para mas marami pa siyang matutunan na mga lessons.


Nangangarap si Suello na balang araw magiging midwife siya para makatulong pa sa mga tao na malapit sakanilang lugar.

Nais din niyang mag bigay inspirasyon sa ibang mga magulang at mag-aaral at mapagtanto na hindi pa huli ang lahat para ituloy nila ang kanilang mga pangarap at tapusin ang kanilang pag-aaral.


Aktibo rin si Chelia sa kanyang komunidad at nagsisilbing isa sa mga barangay health worker (BHW) nito. Kasabay nito, bahagi siya ng barangay monitoring team ng mga locally stranded na indibidwal kung saan kumikita siya ng 3,000 pesos kada buwan.


Miyembro rin siya ng iba't ibang organisasyon sa kanyang barangay, tulad ng Women's Organization, Salog Farmer's Organization (SAFARO) bilang kalihim, at Malungtarong Mag-uuma sa Salog (MAMSA).


Ang diskarte sa 4Ps ay isang pambansang diskarte sa pagbabawas ng kahirapan at isang programa sa pamumuhunan sa pagpapaunlad ng human capital na nagbibigay ng conditional cash grant transfer sa mahihirap na sambahayan upang mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon.

Ang Republic Act 11310, na ipinatupad sa pamamagitan ng DSWD, ay itinatag ang programa noong 2019.

No comments:

Post a Comment