Inaasahan na tatagal pa ng ilang linggo ang insidente ng afterchocks sa Abra matapos itong yanigin ng magnitude 7 earthquake kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Huwebes (Hulyo 28).
“We expect aftershocks to continue for several weeks, pero the first three days po ang marami and hopefully, pababa na siya,” sabi ni PHIVOLCS chief Renato Solidum sa briefing niya kasama si President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Abra.
Gayunpaman, maaari ng umuwi ang mga residente sa kani-kanilang tahanan sa oras na maideklarang ligtas ang istruktura nito.
“But people should be ready how to respond properly during aftershock kasi malakas pa po ang posibleng aftershock," dagdag ni Solidum.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 798 aftershock ang naitala sa Abra. Ngunit base sa text message ni Solidum sa GMA News, 828 ang kabuuang bilang ng aftershock sa lugar kaninang 11 ng umaga.
Source: GMA News
No comments:
Post a Comment