Kahanga-hangang kasaysayan ang iniere ni Capt. Amorelle Mackay Martinez hindi lang para sa Pilipinas kundi para sa lahat ng kababaihan dahil siya lang naman ang kauna-unahang babae na naging chief pilot sa Asia.
Si Amorelle o mas kilala bilang Amore ay isang Igorota mula sa Bokod, Benguet. Nagtapos siya sa Philippine Military Academy sa kursong Bachelor of Science degree in Management.
Nagkaroon siya ng military officer rank sa Armed Forces of the Philippines at pagkatapos nito ay naging miyembro siya ng Philippine Air Force.
Nakapasa rin si Amore bilang student pilot officer ng Philippine Air Force Flying School (PAFFS) na kukuha ng Military Pilot Training (MPT).
Doon ay nakapagpalipad siya ng iba't-ibang uri ng sasakyang panghimpapawid hanggang sa unti-unti siyang na-promote sa trabaho.
Bilang isang chief pilot, responsibilidad ni Amore na pamahalaan ang mga piloto, ground personnel, at mga flight attendant.
Hawak niya rin ang tungkulin sa scheduling ng paglipad ng mga eroplano, pakikipag-ugnayan sa mg aircraft maintenance personnel, at pagtiyak na natutugunan ng kaniyang departamento ang lahat ng local and federal regulations.
Sa kasalukuyan mayroon na siyang kabuuang 9,678 flying hours at madaragdagan pa ito bilang Airbus A320/321 captain.
Source: Pep.ph
No comments:
Post a Comment