CHECK THIS OUT:

Search

Payo ni Kakai Bautista sa mga kabataang feeling adult: Maglaba ng panty at brief!

Aliw na aliw ngayon ang netizens sa komedyanteng si Kakai Bautista dahil sa kaniyang kwelang payo sa mga kabataang nag-iinarte at nagpapaka-adult sa social media.


Sey ni Kakai, bago raw mang-agaw ng eksena at mag-post ng kung ano-ano sa socmed, dapat ay matuto munang maging responsable kabataan ang mga ito sa kanilang sarili.


Pagbibigay diin niya,  “Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng Adult sa Social Media, Matuto muna kayong maglaba ng mga Panty at brief nyo. (lauging emoji).”


Patutsada pa niya, “Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba nyan. NO TO SALA-ULA. #justsaying ”


Marami namang sumang-ayon sa mga hirit ni Kakai lalo na ang mga maguulang na namomoblema sa kanilang mga anak na hindi marunong gumawa ng trabahong bahay.


No comments:

Post a Comment