Ang mga ampon ay may karapatang pantao.
Ito ang nais ipabatid ng aktres na si Lotlot de Leon sa kaniyang post na ibinahagi sa Instagram noong Lunes (Enero17).
Ayon kay Lotlot, adopted daughter nina Nora Aunor at Christopher de Leon, kailanman ay hindi niya ikinahiya na siya ay hindi tunay na anak at ampon lamang.
Masaya at malaki pa nga raw ang pasasalamat niya dahil kung hindi siya inampon ay malamang ay hindi niya nararanasan ang magandang buhay na mayroon siya ngayon.
Ngunit aniya, bagama't tanggap niya ang isang pagiging adopted daughter, nasasaktan pa rin siya sa tuwing may mga taong umaapak sa kaniyang pagkatao dahil lamang siya ay ampon.
“So let’s just put this out here already!" caption niya sa kaniyang Instagram post.
“Yes I am adopted and yes I am also human!
“I am not a commodity, I am my own person who have feelings too.”
Hindi nilinaw ni Lotlot kung saang hugot ba nanggagaling ang kaniyang post ngunit sa tingin ng nakararami, lalo na ng mga Noranian, ang patutsada ng aktres ay tungkol sa matagal ng hidwaan nila ng kaniyang inang si Nora.
Sa comment section ay nakatanggap naman ng words of encouragement si Lotlot kay Ian de Leon, ang tunay na anak ni Nora at Christopher.
“Let us not allow external influences take control or change what and who we all are, because no one knows us and our stories but ourselves," mensahe ni Ian.
"It is only us that have control and power to what we truly should be. I love you so much te! I will stand by you in everything," dagdag niya.
No comments:
Post a Comment