CHECK THIS OUT:

Search

Babaeng ka-look alike daw ni Mama Mary, agaw atensyon online



Viral kamakailan ang isang babae mula sa Bulacan dahil sa kaniyang angking ganda na maihahalintulad sa mukha ni Birheng Maria.


Pumukaw sa atensyon ng netizens si Sangila Jean Santos matapos ibahagi ang kaniyang larawan na kuha noong siya ay gumanap bilang Maria sa Panunuluyan na idinaos sa  Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de la Asuncion noong nakaraang bisperas ng pasko.


Maamo at makinis ang mukha ni Sangila. Suot ang puting kasuotan at belo talaga nga namang nagmistula itong birhen habang bitbit ang imahen ng sanggol na HesuKristo.


Marami ang namangha at pumuso sa mga larawan ng dalaga na kinikilala rin bilang Singkaban Festival Digital Queen ng Bulacan.


Bagama't marami ang natuwa, may ilan din ang nagsasabing malayong maging kahawig ni Angila ang birhen lalo pa at wala pa ang nakakasaksi sa tunay na itsura ni Maria.




No comments:

Post a Comment