CHECK THIS OUT:

Search

Lolo, binigyan ng ayuda pero binawi rin ng DSWD

 


Labis ang pagkadismaya ng  publiko matapos mabalitaan ang pagbawi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ayudang iniabot sa isang matanda sa Laguna.


Sa Facebook post ng isang Techie M Pura, ibinahagi niya ang isang larawan ng matanda na may hawak na pera.


Ang perang hawak ng matanda ay mula sa Social Amelioration Program (SAP). Ngunit, ayon kay Pura sa kaniyang caption, pagkatapos kunan ng larawan ang matanda hawak ang kaniyang ayuda ay binawi rin umano ng ahensya ang mga pera.


"Si tatay binigyan kunyari ng Pera ng dswd para picturan after ma picturan pag alis ng dswd sabay bawi sa Pera paki monitor nyo nga ito Dyan sa san Pedro laguna at hulihin nyo nga DSWD Dyan sa san Pedro laguna walang hiya.”


Marami tuloy sa mga netizen ang nagalit at nadismaya lalo pa at ang pera ay nakalaan sa mga taong higit na nangangailangan ngayong kasagsagan ng pandemya.


May mangilan-ngilan na nais humingi ng tulong sa Raffy Tulfo in Action, isang programang tumutulong sa mga naagrabyado, at sa iba pang kinauukulan nang sa gayon ay mabawi ng matanda ang kaniyang ayuda.

No comments:

Post a Comment