CHECK THIS OUT:

Search

Vice Ganda, niregaluhan ng magandang bahay ang kanyang pamilya


Comedy superstar Vice Ganda ay niregaluhan ang kanyang pamilya ng isang brand new house sa araw ng kaarawan ng kanyang kapatid.

Mula sa vlog ni Vice Ganda, naging emosyonal at speecless ang ina nito sa napakalaki at napakagandang bahay. Inakala naman ng kanyang pamilya na isa itong prank, ngunit ito ay totoo.

“Welcome to your new home, Viceral family,” ito ang nakalagay na pawelcome sa pamilya nito.

12 miyembro ng kanyang pamilya ang nakatira sa dati nilang sa bahay sa Tambunting, Manila na ngayon ay may brand new house na.

Inihayag ni Vice Ganda na nais niyang iparanas sa kaniyang pamilya ang maginhawang buhay habang magkakasama pa sila.

"Na-realize ko na ang uncertain ng life... Hindi ko alam kung nandito pa ako bukas. Gusto kong maramdaman ng family ko 'yung sarap habang nabubuhay pa ako," sabi ng TV host.

No comments:

Post a Comment