CHECK THIS OUT:

Search

Online seller viral dahil sa kakaiba at kwelang pagtitinda

Kinagigiliwan ngayon online ang isang live seller dahil sa kaniyang mga nakakaaliw na patutsada at paandar na talaga namang naghahatid good vibes sa karamihan.


Ang seller na si Daisy Cabantog ay isang tindera ng ukay-ukay. Nakilala siya bilang "Madam Inuts" dahil sa hilig niya sa pagtawag sa kaniyang mga viewer sa kaniyang live selling ng "mga inutil."


Ngayong mga nakaraang araw, umaabot ang kaniyang mga live viewer hindi lang ng libo-libo kung hindi milyon.


Gayunpaman, sa kabila ng dami ng kaniyang mga manonood, napakatumal pa rin ng benta ni Madam Inuts. May mga araw pa nga na hindi siya nakabebenta kahit isang man lang sa kaniyang mga produkto.


Paano ba naman kasi, ang mga netizen nanonood hindi para mag-shopping kung hindi para makigulo at makisabay lamang sa kakwelahan ni Madam Inuts.


Kahit madalas ay puro mura na lamang ang lumalabas sa bibig ng viral seller, marami pa rin ang natutuwa dahil sa kaniyang kakaibang sense of humor.


"More power po sayo nakakatuwa tlga kayo enjoy kami ng mga anak ko panoorin ka actually sila nagsabi sa akin na panoorin live mo grabe kakawala ng lungkot..i dont mind the mura kasi in a way nman na nkakatawa at di nman seryoso yun just for fun lang more power sayo madam," komento ng isang viewer.


Wala mang benta, nakatatanggap pa rin ng pera si Madam Inuts dahil marami rin sa kaniyang mga viewer ang nagbibigay ng kaunting halaga sa kaniya sa pamamagitan ng GCash dahil sa labis na pagkatuwa.


Narito ang official FB page ni Madam Inuts




No comments:

Post a Comment